Nang ma-laos ang TV

Mag-iisang lingo nang tigok ang TV namin. Namahinga na ng tuluyan matapos ang ilangTelevision.jpg buwang sintomas ng pagpapatay sindi. Yun bang sarap na sarap kang manuod ng drama at malalaglag na ang luha mo ng biglang. Pfffttt. Tsugi. Tapos sisindi ulit.

Sira ang moment.

Nangyari lang ito mula ng lumipat kami dito sa Cavite. Low tech yata ang kuryente rito. Nagpepedal lang yata ang mga taga-Meralco kaya siguro laging nagpa-fluctuate. Pero ektwali kasalanan din namin. Temporary kasi na naka-tap kami sa electrical lines.

Hoy hindi kami illegal ha. Nagbabayad kami sa subdivision. Subdivision ito at hindi squatter’s area. 😛

Ano ba namang klaseng subdivision ito at walang metro ang mga bahay? Nakakainis di ba? Kasi kami na daw ang bahalang mag apply sa Meralco. Pero for the mean time pwede daw kami mag tap at a minimal fee of P500/mo.

Okay na sana. Di ba for 500/month kesehodang duguin ang mata ko sa kakanuod ng tv at mapuyat sa kakainom ng kape na freshly brewed from my electric coffee maker eh sulit?

Eh yun na nga. Nalaos ang TV within 5 months mula ng malipat kami dito.

So yun, apply na sa Meralco, paparepair ko pa ang TV. Yung nalibre namin sa ilang buwan eh binawi din sa application fee. Sheet.

Ano na gagawin ko ngayon?

Advertisements

5 thoughts on “Nang ma-laos ang TV

  1. uhmmm…read a book? hahaha, sya i sympathize, ang hirap yatang mawalan ng tv, feeling mo disconnected ka from the outside world! would you believe i rarely watch tv? ewan, eversince bata ako di ako mahilig sa tv, im much too hyper to stay still..yung manood ng sine, it is a chore for me to sit still for more than an hour! okay lang yan, kapag maayos na ang electricity connection mo, malay mo bumalim rin si tv. 😀 (sorry jher bagong gisisng lang ako eh…so walang sense ang comment ko!)

  2. anna – ektwali nanghiram na nga ako ng book kay bridget. hay. di bale next week maaasikaso ko na sya. bili na lang kaya ako ng bagong tv? 😛

  3. Oo nga, bili ka na lang ng bagong TV. Ang mga labas kasi ng tv ngayon ay auto voltage, pwede sa 110 at 220. Iyon nga ding dati naming tv laging kong pinapagawa kasi dito sa lugar namin sa QC lagi rin nagpa-fluctuate ang electricity, kainis.

    Pwede ring makinig ka na lang ng music para makaalis buryong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s