Philippine I-dull

Hindi ko alam kung anong title ang ilalagay ko sa post ko. Basta ang alam ko super disappointed ako sa Philippine Idol eliminations. Patunay lang ng show na ito na hindi pa rin talaga tayo mature na botante, na this contest’s results should not entirely rest on the decisions of the people. Kung nagkakandaloko nga tayo sa gobyerno dahil sa pinili nating mga lider, hindi nakapagtatakang ganito ang resulta ng eliminations night.

If my blog will get the attention of these people, my comments page will surely flood with hate messages, but this one I am perfectly sure: Miguel, you do not deserve to be in that competition. If you will represent the Philippines as the Philippine Idol, I’d migrate to Mongolia to listen to the “throat singers” because they have better use of their vocal chords. Nagtatagal ka lang dyan dahil siguro dahil sa mga kamag-anak mo at mga kaklase mong mayayaman. Watch your performance last Saturday at sabihin mo sa sarili mo kung dapat ngang natanggal si Drae over you.

Sabi nga ni Bridget, it’s sad to see Drae get booted out when in fact he was really good last Saturday. Okay lang yung matanggal ka kasi you’ve had a bad performance, but to get eliminated on your good night? Akala ko ba magagaling kumanta ang mga pinoy? Bakit yung mga walang talent ang natitira?

Even Stef’s performance was better than Jelli’s. It was excruciating to hear Jelli and tama si Ryan, parang she was just going through the song so that it’ll be over soon.

Ken Dingle, I never liked this guy. He’s better at drama than singing. Ang arte arte ng dating nya. Focus on your singing man, not your drama, baka luminis pa ang pagkanta mo. And stop trying to hit those high notes. Okay na ang rehistro mo eh, pinipilit mo pang pabonggahin.

Arms, arms, arms. Spare me a piece of bread, este what kind of a rendition of RESPECT is that? Power singing is not necessarily the same as angry singing.

Apple, now she’s classy. Perfect material for her voice. But what’s with the outfit? Parang applique ang mga flowers, hindi maganda tingnan sa TV.

Pow, girl you have the voice. I will be the last person to lambast you because I love your voice. You can be a butch lesbian without putting it out there too much. I don’t know, basta love kita. Just be mindful of your over-all packaging.

Mau, ninerbyos ako sa iyo neng. Kala ko matatanggal ka na because your performance was not that great. Stick to the ballads or mid-tempo songs.

Jan Kurt Nieto. Gwapo mo pare, kaya lang nakakatamad ang performance mo eh. R&B is clearly not for you. Just choose your songs wisely okay? Tatagal ka pa because you are nice to look at. You are a better singer than Miguel that’s for sure.

Stef, sorry to see you go girl. I never liked your way of singing but I have to admit, you sang better than Jelli last sat.

Raymond, sorry man I kept forgetting your performance.

Gian, not the best performance, but I still have a feeling that you will be in the final three. Just sing dude, wag mo na gayahin ang antics ni Taylor Hicks, mas may boses ka naman dun.

If I forgot the other contestants, that’s just because you’re forgettable.

Anyway, Miguel just pray that your classmates/schoolmates and relatives continue to support you at hindi mauntog ang mga ulo nila at magising sa katotohanan na wala kang talent.  Oh okay, may konti kang talent, pero hindi pang Philippine Idol. Mawawalan ng kredibilidad ang show pag nagtagal ka pa dyan.

Advertisements

9 thoughts on “Philippine I-dull

  1. ay daapt mapanood ito! i like mau and pow…i like the way they sing. si yova, nakita ko sa blog ni lyka, di ko sya masyadong feel…(sorry lyka!) pero feel ko si mau at pow! hmmm..youtube here i come!

  2. the contestants are having a hard time with the most crucial thing of all: SONG CHOICE. nagmumukha tuloy perya ang contest na ito dahil sa mga kinakanta ng mga kurimaw. dalawa lang got it during the R&B night: Apple and Drae. its the song choice. si jan nieto, gumagwapo na sa akin. has the star potential but he needs to find his song ala Jasmine Trias when she sang “Inseparable” the first time. She’s remembered for that and nothing else….

    kaya sa mga natitirang idol contenders, makinig kayo: IT DOESN’T MATTER IF YOU WILL WIN OR LOSE. WHAT MATTERS IS YOU GET NOTICED THAT YOU ARE EXCEPTIONAL AND TALENTED…AND THIS CAN ONLY BE ACHIEVED BY PICKING THE RIGHT SONG AND BEING ONE WITH THAT SONG.

  3. Sobrang disappointed din ako noong matanggal si Papa Drae. Kainis talaga. Galing niya pa last Saturday tapos isa siya sa natanggal. Please naman voters, magpakatalino naman tayo.

    Sa totoo lang ha, di ko type ang pa-cry-cry ni Ken noon, paawa ang hitad. Saka masyadong maraming sinasabi, appeal to emotion ang lukoh.

    At ang Geli, nakupo ano ba talaga ang ipinapakita ng bubaeng iyon? Look at her facial expression, masyadong pa-cute kapag pinapakita na sila sa huli na magkakasamang lahat, even my son doesn’t like her, masyado raw oa. I wish noon pa siya natanggal, at sa totoo lang ha, bias si Kiko. Mukang may crush ke Geli, mas marami ang puri kesa sa puna samantalang wa kwenta naman talagang kumanta, boring!!!

    With Arms, inis si hubby at si son. Para raw laging galit (hehehe).

    Si Gian naman, porke’t napuri noong OPM night, aba todo ang ginagawang hataw. Nawawala minsan tuloy ang focus sa voice niya, masyado ang kalikutan. He knows how to use the stage, pero minsan kailangan din naman na nagtatagal ng konti, nahihilo ako kakasunod ng tingin sa kaniya e.

    Si Apple, una pa lang gusto ko na siya. Lalim ng boses, kaya mababa at mataas.

    Si Mau at Pow, siempre suportado ko rin iyang mga iyan, kaya lang kailangan ingat-ingat sila laluna si Mau. Kailangang every week ay may bagong ipapakita si Mau at tanggalin ang hiya. And siguro kailangang maalis sa isip niya na hindi siya maganda dahil maganda siya. Last Sat kasi parang medyo hindi gaanong bigay ang performance niya dahil nga daw malaki ang bilbil niya. Susme, iha, wala sa bilbil iyan nasa boses at performance.

    Well, sa tingin ko si Miguel tanggap na matatanggal na siya that night. Kaya nga nagpa-cute na lang siya. Pero dahil nga sa lalim ng bulsa ng mga friends at relatives, ayun natira pa ang bata.

  4. Ups, sorry Jher ha. Feeling ko isang blog entry na ang comment ko. Masyado akong nadala sa init ng ulo mo (hehehe). Kapal ko din ano, may another comment pa di na sinawaan.

  5. Anna – hay naku neng mapapanood mo na yan at last. promise. este dapat ko bang sinabi yun? lol

    Babe – love your comments. mmmm…

    Ate Lani – Anukaba okay lang no! 😛

  6. Di ko type ang Philippine Idol. Period! I got turned off by the overall poor quality of the show. Sayang, sayang. I wonder kung ganito rin ang franchise ng Idol sa ibang bansa.

  7. ay, manang…hindi na ako sinasala sa blog ninyo ng mahaderang akismet na yan..buti na lang! uy, kagabi hanap ko sa youtube ang video ng philippine idol, mega panood namana ko, kaso nakakbitin kasi ang iksi ng clips! ayaw ko talag ng maiksi! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s