Litratong Pinoy # 20: Liwaliw

Ito ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy na may temang “Liwaliw”

Noong Marso, ako at ang aking esposo ay nagdesisyong magpunta sa makasaysayang isla ng Corregidor upang magliwaliw. Bagama’t may kamahalan ang halaga ng pagpunta doon, nakakuha kami ng magandang diskuwento sa isa naming kaibigan. Kami ay nanatili doon ng “overnight” kung kaya’t ilang rolyo din ng film ang aming nagamit. Ang mga larawang ito ang aking paborito:

Ang aking esposo habang nag-eemote sa mga ruins. Kuha ito ng isang Holga 120 FN Camera / Provia 100F

Heto pa. Kuha rin ng parehong kamera.

Ilang kamera din ang dala namin sa corregidor. Magastos talaga ang gumamit ng film, ngunit hindi namin makukuha ang parehong epekto kung kami ay gagamit ng digital.

Heto pa ang iba:

Ang larawang ito ay kuha sa Japanese Cemetery. Gamit ko rito ay ang plastik camera na Vivitar Ultrawide & Slim. Sensia ang film na gamit ko rito.

Hindi ito paglubog ng araw kundi bukang liwayway. Maaga kaming gumising upang makakuha ng larawan ng pagsikat ng araw.

Ang pagliliwaliw namin sa Corregidor ang isa sa pinakamasayang sandali sa aming pagsasama. Pinaghahandaan na namin kung saan pa kami pupunta upang magliwaliw. 🙂

Para sa kumpletong set, maaari ninyong dalawin ang aking multiply site.

Advertisements

20 thoughts on “Litratong Pinoy # 20: Liwaliw

  1. Munchkinmommy – punta kayo ng family. Maganda don syempre marami rin kayong matututunan sa history. Medyo paghandaan lang ang gastos. heheheheh

  2. Matagal, na naming balak pumasyal ng Corregidor sa tuwing nasa Maynila kami. Kaya lang, pag nag-compute ng gastos para sa 2 adults and 3 kids, para na kaming nag HK via Cebu Pac. Hehehe… Napo-postpone na lang tuloy palagi…

    Thanks for sharing those great pics. 🙂

  3. Linnor – oo napakagastos talaga ang corregidor. Kung hindi nga lang kami nakakuha ng discount sa kakilala namin, baka di rin kami nakapunta. hehehehe.

    Salamat! Happy LP!

  4. Hi Christine!

    Maraming salamat sa iyong comment. Hindi rin kasi ordinaryong film ang gamit ko. Slide film kasi sya, kaya kakaiba ang mga kulay kasi hindi pareho ang prosesong ginamit sa pag debelop. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s