Heto pa rin ako

Nandito pa ako. Naging alipin ng organisasyong kinabibilangan ng aking esposo. Wala naman akong reklamo kahit hindi malaki ang sahod. Ang maganda talaga ngayon ay napapagana ng husto ng trabaho ko ang aking utak, ang nabibigyang halaga ang aking kakayanan, kahit sa mumunting paraan. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako dito, ngunit sa pagtataya ko, lalo’t may karagdagan pang oportunidad na papasok sa amin, maaari pa akong manatili ng matagal tagal.

Ipagpatawad ninyo at hindi ko na nabibigyang pansin ang blog na ito. Limitado ang “access” sa opisina, at kung ako naman ay mag-online sa bahay, halos nakakalimutan ko nang dalawin ang blog ko. Wala pa ring nagbabago sa akin maliban sa nadaragdagan ang uban ng aking buhok at nahihirapan akong tanggalin ang naipong taba sa aking tiyan. Ngunit paminsan minsan ay nagpupunta ako sa mumurahing “gym” na malapit sa opisina. Nabawasan ng kaunti ang aking timbang, ngunit ang tiyan ko ay nananatiling medyo namimilog. Mahirap talaga.

Salamat sa pagtatyagang maghintay. Kita kita ulit tayo sa susunod na araw, o linggo, o buwan.

Advertisements

2 thoughts on “Heto pa rin ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s