Litratong Pinoy 34: Madumi

Yosi

May ilang ulit na rin kaming nagtalo ng aking esposo sa kahalagahan ng pag-iwas nya sa mga ito, ngunit ang pagtigil sa paninigarilyo ay sadyang hindi madaling gawin.

Hindi lang sa basurahan nagdudulot ng dumi ang bagay na ito.

Nakalulungkot ding isipin na ang lahat ng dumi na dulot ng mga kemikal nito ay napupunta sa katawan at maaaring pagmulan ng napakaraming sakit.

Ang larawang ito ay kuha ng aking teleponong selyular. May mga binago lamang ako upang magmukhang maayos-ayos ang resulta. Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy # 34 na may temang Madumi

Litratong Pinoy #31: Kadiliman

Ano ang kahulugan ng kadiliman sa panahon ngayon?

Kung paano ngumiti sa gitna ng kalungkutan?

Kung paano makapagpapasaya ng karamihan?

O pagkakataong humiling ng gabay ng mga nagugulumihanan?

Sa dilim man ay may liwanag na makikita sa nangangailangan nito.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy # 31, na may temang Kadiliman

Sa mga dumadalaw sa aking blog, maaari nyo rin bang akong iboto? Salamat po!

Litratong Pinoy 30: Liwanag

Sa wakas ay may mailalahok na ako sa linggong ito. Buti na lang may mga larawan ako na maaaring maisali sa LP na may temang Liwanag.

Ang lumang parolang ito sa Corregidor ay dating nagbibigay ng liwanag sa mga nasa laot ng Manila Bay noong panahon ng digmaan. Kapansin-pansin na mayroon din itong krus na maaaring magsilbing liwanag sa mga kaluluwang naliligaw ng landas.

Staircase

Nang minsang kami ay nasa isang hotel sa Iloilo at habang naghihintay sa aming kasama, napatingala ako sa lobby at nakita ko ang imaheng ito. Liwanag na nanggagaling sa isang kurbadong “staircase”.

Kay ganda ng liwanag ng bukang-liwayway…

Lalo ang liwanag na nagmumula sa pag-ibig ng Maykapal.

Maligayang LP sa inyong lahat!

Dalawin nyo rin ang aking post tungkol sa mga Maskara ng bacolod. 🙂

Litratong Pinoy # 20: Liwaliw

Ito ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy na may temang “Liwaliw”

Noong Marso, ako at ang aking esposo ay nagdesisyong magpunta sa makasaysayang isla ng Corregidor upang magliwaliw. Bagama’t may kamahalan ang halaga ng pagpunta doon, nakakuha kami ng magandang diskuwento sa isa naming kaibigan. Kami ay nanatili doon ng “overnight” kung kaya’t ilang rolyo din ng film ang aming nagamit. Ang mga larawang ito ang aking paborito:

Ang aking esposo habang nag-eemote sa mga ruins. Kuha ito ng isang Holga 120 FN Camera / Provia 100F

Continue reading “Litratong Pinoy # 20: Liwaliw”

LP#19: Ako

Napakarami kong larawan ngunit kuha ito ng aking esposo kung kaya’ di ko magamit ang mga ito para sa LP sa linggong ito . Kung gagamitin ko naman ang mga larawang kinuha ko sa aking sarili, hindi naman ito gaano maganda at magmumukhang mga larawang ilalagay ko sa “Friendster”.

Kung kaya’t ang aking lahok sa LP na may temang “Ako o parte ko” sa linggong ito ay:

Kinunan ko ang aking paa sa pamamagitan ng aking Sony Ericsson K610i habang ako ay nababagot sa isang training na aking sinalihan. Puting sapatos na may disenyong mga bungo? Check. Itim na sports sock? Check. 😛

Magandang LP sa inyong lahat!

Litratong Pinoy #15 Balingkinitan

Sa tuwing ako’y nag iilusyon na maari pa akong muling maging balingkinitan, sa halip na softdrinks ang aking iniinom, ito ang aking hinahanap:

Cool to be Clean
Cool to be Clean

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang Balingkinitan.

Kuha ng isang action sampler camera, nadaanan ko lang ang isang tindahang mayroong refrigerator na may tatak ng C2.

Pero parang hindi pa rin sapat na uminom lang ng green tea ngayon. Dapat talaga ay mag healthy lifestyle para manumbalik ang dating balingkinitang katawan. 😛