Tuyo

Minsan pakiramdam ko ang kinabukasan ko ay magiging kasing tuyo ng puno na ito.

Mabuti na lang nandyan lang sya, kung kaya ang buhay ko ay kasing kulay ng mga paper clips at push pins na ito.

Wala lang akong magawa. Ganito na yata pag natutuyuan na rin ng mga ideya.

Litratong Pinoy #31: Kadiliman

Ano ang kahulugan ng kadiliman sa panahon ngayon?

Kung paano ngumiti sa gitna ng kalungkutan?

Kung paano makapagpapasaya ng karamihan?

O pagkakataong humiling ng gabay ng mga nagugulumihanan?

Sa dilim man ay may liwanag na makikita sa nangangailangan nito.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy # 31, na may temang Kadiliman

Sa mga dumadalaw sa aking blog, maaari nyo rin bang akong iboto? Salamat po!

LP#19: Ako

Napakarami kong larawan ngunit kuha ito ng aking esposo kung kaya’ di ko magamit ang mga ito para sa LP sa linggong ito . Kung gagamitin ko naman ang mga larawang kinuha ko sa aking sarili, hindi naman ito gaano maganda at magmumukhang mga larawang ilalagay ko sa “Friendster”.

Kung kaya’t ang aking lahok sa LP na may temang “Ako o parte ko” sa linggong ito ay:

Kinunan ko ang aking paa sa pamamagitan ng aking Sony Ericsson K610i habang ako ay nababagot sa isang training na aking sinalihan. Puting sapatos na may disenyong mga bungo? Check. Itim na sports sock? Check. 😛

Magandang LP sa inyong lahat!

Litratong Pinoy #15 Balingkinitan

Sa tuwing ako’y nag iilusyon na maari pa akong muling maging balingkinitan, sa halip na softdrinks ang aking iniinom, ito ang aking hinahanap:

Cool to be Clean
Cool to be Clean

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang Balingkinitan.

Kuha ng isang action sampler camera, nadaanan ko lang ang isang tindahang mayroong refrigerator na may tatak ng C2.

Pero parang hindi pa rin sapat na uminom lang ng green tea ngayon. Dapat talaga ay mag healthy lifestyle para manumbalik ang dating balingkinitang katawan. 😛

Ihip pa!

Noong Marso, ako at ang aking asawa ay pumunta sa Corregidor upang mag bakasyon. Mataas ang sikat ng araw at hindi gaanong umiihip ang hangin. Kung kaya’t ang mga bandilang ito ay di gaanong nagwawagayway…

Sa bahaging ito ng isla, masarap ang ihip ng hangin.

Ang mga larawang ito ay kinuha sa pamamagitan ng isang plastic film camera na Vivitar Ultra Wide and Slim. Ang film na ginamit ko rito ay Kodak Elitechrome 100. Dinebelop at ini-scan ng Digiprint.

Ito ang aking pangalawang lahok sa Litratong Pinoy #9 na may temang Ihip ng Hangin